It’s Showtime June 10, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 10, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 10, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 10, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Automatic talaga ang saya kapag It’s Showtime ang kasama sa pananghalian! Gaya na lang ng nangyari sa episode nito ngayong Lunes, June 10, na nagsimula sa pagtatanghal ng OPM band na Rivermaya ng kanilang awitin na “Elesi”.

Bilang pagpupugay sa Rivermaya, ibinahagi ng Showtime hosts ang kanilang go-to songs ng banda sa tuwing nagka-karaoke at nagpa-sample pa! Para kay Jugs Jugueta, ito ay “Ulan”, samantalang “Panahon Na Naman” kay Teddy Corpuz, “Elesi” kay Jackie Gonzaga, “Kisapmata” kay Cianne Domiguez, at “Liwanag sa Dilim” naman kay Darren Espanto.

Ngunit bago ‘yan ay napanood natin ang pamamahagi ni Ate Girl Jackie Gonzaga ng biyaya sa tatlong madlang gumagawa ng salamin sa mata sa Isetann Recto mula sa prize money na naipon sa nakaraang episode ng “Karaokids” segment ng It’s Showtime.

Labis na ikinatuwa ng madlang people ang paglahok ng dating “Expecially For You” searchee-turned-searcher na si Malc sa “Showing Bulilit”, na nag-ambag sa pagpapasaya sa madlang people bilang kakampi ni Unkabogable Star Vice Ganda. Ang kanilang mga nakatunggali ay ang mga pares nina Jackie at Jugs Jugueta, Jhong Hilario at comedian-host na si Tetay, Darren Espanto at Cianne Dominguez, Karylle at Tawag ng Tanghalan hurado Erik Santos, at Teddy Corpuz at Ryan Bang; samantalang si Tiyang Amy Perez ang nagsilbing host.

Unang sumalang sa aktingan ay sina Kelsey and Kulot para sa pelikulang “Barbie”, na sinundan nina Argus at Jaze para sa 1990 classic Pinoy comedy film na “Michael and Madonna”. Sobrang cute naman nina Argus, Kelsey, at Jaze sa kanilang pagsasadula ng 2006 FAMAS-winning film “Nasaan Ka Man”; habang pinabilib naman tayo ni Kulot sa kanyang pagganap bilang Carissa ng 1992 movie na “Hiram Na Mukha”.

Sa bandang huli ay ang tandem nina Jhong at Tetay ang nagwagi at nagkaroon ng pagkakataon na palaguin ang prize money sa jackpot round kung saan dalawa ang nakuha nilang tamang sagot. Nakalikom sila ng kabuuang P35,000 na ipinamahagi sa pitong (7) masusuwerteng madlang audience!

Paniguradong maraming madlang people ang naka-relate sa naging love story ng ex-couple na sina Christoff at Beng na tampok sa episode ng “Expecially For You”. Kapwa tubong San Pedro, Laguna, ibinunyag ng dating magkasintahan na ang naging mitsa ng kanilang hiwalayan ay ang labis na pagkahumaling ni Beng sa online games. Dahil sa pandemic, natuon ang atensyon ni Beng sa paglalaro at pag-stream ng online games, maging sa pagsali sa virtual tournaments na nagdulot ng kanyang kawalan ng komunikasyon at oras para kay Christoff. Hindi na rin sila nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan ang naging sigalot ng kanilang relasyon nauwi sa hiwalayan.

Pareho silang nagkaroon ng bagong pag-ibig pagkatapos ng kanilang relasyon, ngunit hindi rin nag-work. Habang hindi pa bukas ang puso ni Beng para sa panibagong relasyon, si Christoff naman ay handa nang makipagkilala muli sa isa sa tatlong naggagandahan at naggagalingang searchees.

Una na sa kanila si Cakes, ang 21-year-old “Beauty and Brains Working Student ng Taguig City” na kasalukuyang kumukuha ng BA English Language Studies sa University of the Philippines-Diliman. Pangalawa ay si Andrea, ang 22-year-old “Charming Pre-Law Student ng Pasig City” na ngayon ay nag-aaral ng BA Economics sa University of Sto. Tomas (UST). At ang panghuli ay si Trisha, ang 22-year-old “International Scholar from Antipolo City” na kumukuha ng masteral degree in Media Management sa isang kolehiyo sa New York City, USA.

Lahat man sila ay naging mahusay sa pagsagot sa tatlong katanungan ni Christoff, ngunit si Trisha ang pinaka nangibabaw at nakatanggap ng dalawang green flags, kaya naman siya ang makaka-date ni Christoff.

Samantala, dalawang estudyante muli ang nagtagisan ng husay sa pag-awit sa entablado ng Tawag ng Tanghalan.

Unang sumalang si Jeofh, isang incoming Grade 12 student na pambato ng Porfirio G. Comia Memorial National High School sa Oriental Mindoro. Ang kanyang flawless na pagkanta at pagkulot sa “Too Good At Goodbyes” ng English singer at songwriter na si Sam Smith ay nakatanggap ng papuri mula kay hurado Yeng Constantino, na binansagan pa siyang “gem waiting to be polished”.

Samantala, inulan naman ng papuri ni hurado Erik Santos ang “powerful yet heartfelt” na performance ni Ruelagin, isang 2nd year Early Childhood Education student ng Central Mindanao University sa Bukidnon, ng “Wala na Talaga” ni Klarisse de Guzman.

Kapwa man sila mahusay, subalit nagkatalo sila sa paraan ng pagkukuwento ng napili nilang piyesa ayon kay punong hurado Louie Ocampo. Pareho man nilang napabilib ang mga hurado sa kani-kaniyang performance, ngunit si Ruelagin pa rin ang itinanghal na daily winner. Dahil dito ay pasok na siya sa preliminary rounds ng kompetisyon. Nagkamit siya ng 95.3%, habang si Jeofh naman ay nakakuha ng 92.3%.

#ItsShowtime
#GoodvibesSaShowtime
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.