Channel | Publish Date | Thumbnail & View Count | Download Video |
---|---|---|---|
Publish Date not found | 0 Views |
Pagdating sa hulaan ng song titles, ang “Showtime” family, hindi uurong. Tara’t maki-sing-along sa “Karaokids” kasama ang cuties na sina Kelsey, Enicka, Jaze at Kulot. Paunahan lang pumindot at magbigay ng tamang sagot para maka-ipon ng puntos at papremyo.
Si Jhong Hilario, muntik nang magreklamo dahil sa ‘pasaway’ na buzzer. Si Karylle, ang bilis pumuntos kahit pa pagkanta ni Kelsey ay nakaligaw-ligaw. Ah, basta, isa lang ang malinaw: sa Karaokids, ka-cute-an at kasiyahan ang mangingibabaw.
Sinaktan nang paulit-ulit pero nagpatawad din nang paulit-ulit. Si Vhecka, naging manhid sa panloloko ng dating karelasyon. Sundan ang mga rebelasyon sa “EXpecially For You.”
Kasama ang twin sister na si Zanne, ibinahagi ni Vhecka ang naging kalbaryo n’ya sa ex-boyfriend na ilang beses n’yang nahuli sa akto na may kasamang iba. Nang minsang pumunta s’ya sa bahay ni ‘ex’ for a birthday surprise, si Vhecka pa ang mas nasorpresa nang makita si ‘guy’ na may kasamang babae sa kwarto. Oh, no! Pero kaunting lambing at pangakong matatamis lang ang kailangan para si Vhecka ay hindi umalis nang tuluyan.
Naging sukdulan ang sakit nang si ‘guy’ ay makabuntis ng ibang babae at nangako pa na si Vhecka ang pipiliin n’ya sa huli. Mabuti na lamang, si Vhecka, nagising sa katotohanan. Ang past, handa na niyang kalimutan. Ang kanyang puso, muli n’yang bubuksan.
Bandera ng pamantasan ay itataas ng mga estudyanteng may talent na pang-world class. Tunghayan ang exciting na sagupaan ng mga tinig na palaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Unang sumabak sa entablado si Jennie Blateria, ang pambato ng College of Our Lady of Mercy. Nagustuhan ng mga hurado ang pagkanta n’ya ng “Bulong.”
Damang-dama rin ng mga hurado ang performance ni Anthony Martinez ng “Ikaw Ang Pangarap.” Siguradong proud na proud din sa kanya ang Pangasinan State University. Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Jed Madela, Jolina Magdangal, at Louie Ocampo. Pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.
#ItsShowtime
#ShowtimeFreeAngGV
#ABSCBNEntertainment
Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.