It’s Showtime June 4, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 4, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 4, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 4, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Itaas ang kamay kung puso mo ay sugatan! Huwag mag-alala, hindi pa naman nagsismula ang ‘Ber’ months. Pwede pang humabol para hindi maging kasapi ng SMP o ‘Samahan ng Malalamig ang Pasko.’ Pero kung bet mong magpaka-‘emo’, maki-hugot na muna kasama ang bandang “Calein.”
Kantahan at kulitan in one! ‘Yan ang hatid nina Enicka, Imogen at Kelsey sa “Karaokids.” At dahil all-girls ang singers natin today, si ‘Kuys’ Ogie Alcasid muna ang ‘proxy’ nina Argus at Jaze. Mukhang ready din naman si Kuya Ogs na i-mentor ang kids sa pagiging little comedians. Sample ‘jokes’ nga riyan!

Uy, may nagbabalik sa “EXpecially For You.” Due to insistent public demand, ang Tondo boy na si Malc, muling sumalang – as a searcher this time. Kung no’ng una ay inalam natin ang breakup story n’ya at ng ex-girlfriend na si Leng, ngayon naman ay kikilalanin natin siya bilang isang anak.

Kasama n’ya sa pagkilatis sa tatlong searchees ang kanyang beloved mother na si Mama Gha. Present din sa audience ang ex n’yang si Leng – exciting! Ready na si Malc na magkaroon ng bagong kakilala. At kung pwede lang sana, dadalhin n’ya ito sa isang out-of-the country date that they will never forget.

Mga classic hits ng OPM bands, binigyan ng ‘Gen Z’ flavor ng dalawang estudyanteng nagpasiklaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Kuhang-kuha ni Jhamaica Gavino ng Canossa College-San Pablo City ang puso ng mga hurado sa pag-awit niya ng “Himala.” Kakaibang atake naman sa awiting “Magasin” ang handog ni Jecel Maligsay ng St. Mary’s College of Bansal, Inc.

Matapos ang sagupaan sa entablado, nakakuha ng mas mataas na grado si Jhamaica ng CC-SPC. Siya ang pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

Samantala, sa pangunguna ni Vice Ganda, nagbigay ng pahayag ang “Showtime” family tungkol sa isang viral incident sa “EXpecially For You” kung saan na-call out ng hosts ang diumano’y tangkang pagnanakaw ng halik ni ‘Searchee’ Axel kay ‘Searcher’ Christine sa isang episode.

Ayon kay Vice, matapos makipag-usap sa dalawang guests at sa mga psychologists, naliwanagan ang lahat tungkol sa insidente. Panoorin ang buong pahagay ni Vice at ng “Showtime” family.

#ItsShowtime
#ShowtimeJuneKaMasaya
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.