Channel | Publish Date | Thumbnail & View Count | Download Video |
---|---|---|---|
Publish Date not found | 0 Views |
Super cute na kantahan at hulaan ang ganap sa “Karaokids” with Imogen, Enicka and Kelsey! Itaas ang kamay kung handa nang pumindot at sumagot. Pero, ano ‘to? Bakit ang daming reklamo? May ‘dayaan’ nga bang nangyari?
Ang lesson from this edition of “EXpecially For You”: Huwag pumasok sa panibagong relasyon kung sa nagdaang breakup ay hindi ka pa nakaka-move on. Heal yourself first para hindi makasakit.
‘Yan ang natutunan nina Daynes at Drich sa kanilang love story na nagsimula nang si Daynes ay nakipagmabutihan kay Drich fresh from a breakup. Bukod sa naghahanap siya ng kausap para mabawasan ang lungkot, a part of herself ay gustong gumanti sa nauna n’yang ex-boyfriend. Matatawag ba itong rebound? Naging ‘panakip-butas’ n’ya si Drich habang hindi pa niyang tuluyang nile-let go si ex.
Kaya nang si ex ay bumalik, naiwan sa ere si Drich. Sad but it happens, sabi nga nila. Pero ang importante, si Drich ay nakapagpatawad na at handa nang magkaroon ng mga bagong kakilala.
Ipagmalaki ang ‘yong paaralan sa larangan ng kantahan dito sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
OPM hits ang bumida for today’s episode. Binigyang-buhay ni Edriand Velardo ng Central Bicol State University of Agriculture ang “Ikaw Lamang” na orihinal na inawit ni Gary Valenciano at sinulat ni Ogie.
“Limang Dipang Tao” ni Ryan Cayabyab naman ang napiling piyesa ni Mc Ryan Cabaluna ng Cebu Normal University. Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Jed Madela, Jolina Magdangal, at Louie Ocampo.
#ItsShowtime
#JuneTayoSaShowtime
#ABSCBNEntertainment
Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.