It’s Showtime September 16, 2024 | Full Episode

It’s Showtime September 16, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime September 16, 2024 | Full Episode
It’s Showtime September 16, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Panalo ang Lunes mo kasama ang ‘Showtime’ pamilya! Dito, ang papremyo ay nag-uumapaw na good vibes at saya. Sinimulan ang pamimigay ng happiness with a fun serenade mula sa nag-iisang chief ng OPM, Ogie Alcasid. Ang love song na sinulat n’ya noong kabataan, binigyan ng bagong bihis, perfect sa ‘ber’ months na matamis.
Speaking of bihis, palaban ang OOTD ni Ogie–yayamanin from head to toe! Sana pwede natin siyang tawaging “Ninong Ogie,” ‘no?
Iba rin ang ganda ng paligid ‘pag may Dyosa kang natatanaw! Anne Curtis, love namin ikaw! Natupad ni Anne ang promise na makakasama siya ng madlang people ngayong Lunes.
Promise, dito, walang talo! ‘Showtime’ family ang bahala sa daily dose of good vibes n’yo!
Vice-Anne core sa “Showing Bulilit”? Forda apaw na naman ang kulit! Bukod sa aktingan ng ‘Showtime’ kids Big 4 – Argus, Kulot, Kelsey at Jaze – inabangan din kung sino ang hosts na magkakapares.
Lahat ay na-excite nang malaman na sina Vice Ganda at Anne ang tandem sa hulaan. Pero mahigpit ang laban. Dahil hindi magpapatalo sina Darren Espanto at Ryan Bang. Nand’yan din sila Vhong Navarro at Jugs Jugueta, Ogie Alcasid at Lassy, Jhong Hilario at Kim Chiu, at Teddy Corpuz at Ion Perez.
Akting na akting si Kulot sa kanyang mala-Princess Punzalan na pagtawa. Nakakata-cute! Very cutesy and very demure rin ang pa-BINI Maloi outfit ni Meme! Talagang binagayan ang OOTD ng kanyang ‘sissy.’ Mukhang pampaswerte ‘yung red hood, dahil silang dalawa ni Anne ang naglaro sa jackpot round.
Walang kukurap dahil ang “Kalokalike Face 4” today ay siksik sa mga ganap! Mula sa pak na pak na makeup, hanggang sa performance level at timing sa komedya, si Contestant 1, sinuot ang buong pagkatao ni Awra Briguela. May pa-tumbling at volleyball exhibition pa!
Madlang people ay napakapit dahil si Arci Munoz look-alike, bitbit ang rock ‘n roll na malupit. Red lips pa lang, Arci na! Mas lalo pa sa boses at tawa, pati sa performance niya na pang-rakista.
Sa isang lingon pa lang, kitang-kita na ang pagka-Long Mejia ni Contestant 3. Samahan pa ng natural na galing sa comedy, mapapasabi ka ng, “Havey!” Ang totoong Long, may kakaibang kagwapuhan, tingnan nga natin kung meron din si Contestant number 3 n’yan!
Nag-enjoy naman sina hurado Gladys Reyes, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at ang pinaka-todo mag-komento, si Rufa Mae Quinto.
Dalawang estudyante na parehong magaling, itinodo ang talent sa singing! Tunghayan ang naging salpukan ng mga boses na palaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Magandang tinig ni Brigette Caragay ng Calasiao Comprehensive National High School, ipinarinig sa madla. Pag-awit niya ng “Umiiyak Ang Puso,” nagustuhan ng mga hurado.

Positibo rin ang naging komento kay Christian Labrador ng Asian Development Foundation College na kumanta ng “Writing’s On The Wall.” Siya rin ang itinanghal na daily winner.

Matapos ang performances nila, nagbigay ng komento sina hurado Ogie, Darren, at Louie Ocampo. Pero si Vice Ganda, hindi makapag-focus sa pakikinig dahil boses ni Anne ang kan’yang naririnig. Si Anne, daming chika! Sinabayan pa raw ni Karylle, kaya ang ending, si Meme, litong-lito na!

#GameShowtime
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.