It’s Showtime September 4, 2024 | Full Episode

It’s Showtime September 4, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime September 4, 2024 | Full Episode
It’s Showtime September 4, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Malamig ang Miyerkules! Ihanda na ang comfort food para panonood ng “It’s Showtime” ay da best! Every day ay budburan ng pagmamahal, para hindi lang happy ang tummy, kundi busog din ang heart.

Bilang appetizer, masarap na kantahan ang ise-serve nina Ann Raniel, Geca, at Lyka Estrella, na may patikim ng kanilang awiting “Langit.”

Bumubuhos ang bagyo. Pero puso’y hindi manlalamig! Aww! Pakatamis nu’ng Vhong Navarro na may pa-‘Happy Anniversary’ greeting sa asawang si Tanya. Nawa’y pagmamahalan n’yo ay umusbong pa!

Sa ating sariling pinalakang-tabing, bibida ang mga cute na chikiting! Mapapa-standing ovation ka sa aktingan nina Argus, Imogen, Kelsey, Bresies, at Jaze sa “Showing Bulilit.”

Always ready makihula ang ‘Showtime’ hosts. Bring it on, sabi ng mga magkakapares: Darren Espanto at Ion Perez. Ogie Alcasid at Teddy Corpus, Bela Padilla at Karylle, Ryan Bang at Cianne Dominguez, Jugs Jugueta at Jackie Gonzaga, at sina Vhong Navarro at Eris Aragoza.

Mukhang advantage kay Bela na kasali sa script ang mga pelikulang ginawa nya tulad ng ‘The Day After Valentine’s’ at ‘Miracle In Cell No. 7.’ Kaya silang dalawa ni Karylle ang namuro at umabante sa jackpot round. Ma-perfect kaya nila ang mga famous lines na pinahuhulaan?

Re-yal or fa-ke?! Let’s see kung ang mga kumasa sa hamon ng “KalokaLike Face 4” ay legit kahawig ba ng mga sikat na ginagaya nila!

Alam mong havey ang constestant kung pagpasok pa lang ay nakuha na niya ang kiliti ng madlang people. Lahat ay nagulat, lahat ay namangha, dahil NBA star Stephen Curry, meron daw kamukha?! At hindi lang kapareho ng fez, marami rin siyang tinatagong talent tulad ng pagsaway ng ‘budots.’

Ang kinaiinisan ng lahat sa primetime, McCoy de Leon, nagbabalik sa “It’s Showtime.” Kuhang-kuha ‘yung ngiti, lalo na ‘yung angas ‘pag si David na ang ginagaya. Pero biro ni Vice Ganda, mas nakaka-McCoy ‘yung pamali-maling dance steps!

Mas lumakas pa ang sigaw nang ka-look-alike ni Piolo Pascual ay lumitaw! Tingnan nga natin kung kuhang-kuha ang pagpapakilig ala Papa P! Eh, pa’no kung si Piolo, kumasa sa “Maybe This Time” dance trend?

Matapos kilatisin ang mga contestants, may napili na sina hurado Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, Bianca Umali, at Rufa Mae Quinto–parehong ‘kalokalike’ ang hatol kina Steph at Piolo!

Humagupit ang mga talentong malupit sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Masama man ang panahon, nakaka-good vibes naman ang boses ni Scarlette Yape ng Divine Light Academy. Madalas singer, minsan actress, model, at skater. Pero marami mang hobbies, una pa rin sa puso niya ang singing! “Someone Like You,” birit niya para ipakita ang galing.

Rock na medyo classical naman ang pagbali ni Bela Villapando ng Polytechnic University of the Philippines-Sto Tomas sa kantang “Laklak.” Bakit nga ba ito ang napiling piyesa ni Bela?

Sa gitna naman ng kwentuhan, ang joke time nauwi sa ‘masakit’ na bardagulan. At balak pa raw kalabanin ni Bela Padilla ang makeup brand ni Vice Ganda?!

Matapos ang salpukan sa tanghalan, si Bela ang hinirang na Top 1 nina hurado Bituin Escalante, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ShowtimeKalokasiyahan

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.